Pag-track sa poultry imports, pinahihigpitan

Nanawagan ang United Broilers and Raisers Association (UBRA) na kailangang resolbahin ng gobyerno ang kompetisyon mula sa imports lalo na at nakakaapekto ito sa mga maliliit na poultry producer.

Ayon kay UBRA President Elias Jose Inciong – nakiusap sila kay Agriculture Secretary William Dar na ayusin ang monitoring system at customs bonded warehouses.

Sabi naman ni Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) President Danilo V. Fausto – dapat maging priority sector ang poultry industry dahil ito ang third highest revenue, kasunod ng bigas at baboy.


Tumaas ang pag-aangkat ng manok mula 135 million kilos noong 2012 ay nasa 310 million kilos na ito nitong 2018.

Facebook Comments