Pag-tugis sa mga nalalabing NPA terorist group sa Negros, mas pasisiglahin pa ng Militar

Ipinag utos pa ni Army 3rd Infantry Division Commander BGen. Eric Vinoya, sa lahat ng Units sa ilalim ng kanyang command na paigtingin pa ang pursuit operations laban NPA Terorist Group sa   Western at Central Visayas.

Ang pahayag ay ginawa ni Vinoya kasunod ng engkuwentro sa pagitan ng militar at NPA terrorist group sa Sitio Tambo, Brgy Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong sabado.

Seryuso si BGen Vinoya na tapusin ang   insurgency sa Region 6 at 7 noon pa man bago siya maitalaga bilang   Commander ng Joint Task Force Negros.


Muli siyang nanawagan sa mga natitirang fighters ng NPA na sumuko na lamang o di kayay mamatay sa labanan.

Paliwanag ni Vinoya  hindi  mananalo  ang teroristang grupo sa giyera laban sa puwersa ng  pamahalaan  at mas makakbuti na magbalik loob na lamang sa lipunan at  i-avail ang mga programa ng gobyerno,tulad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o (E-CLIP) .

Lalo raw ngayon na katulong ng Militar   ang mamamayan sa Negros para ganap nang matuldukan ang mahigit 50 taong Insurgency problem sa bansa.

Giit pa ng opisyal na sinsero ang pamahalaan na tulungan ang mga misguided fighters kapag sumuko.

Sa pinakahuling engkuwentro sa Negros, isang miyembro ng NPA ang napatay, isa ang nasugatan at nasamsam pa ang ilang armas at mga subersibong  kagamitan.

Facebook Comments