Pag-turn over ng luxury vehicle sa ICI ni dating DPWH Engr. Brice Hernandez, inaantabayanan

Sina Brice Hernandez at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan ay humaharap ngayon sa kauna-unahang hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Energy Center sa BGC, Taguig City.

Inaantabayanan din ang statement ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kabilang sa miyembro ng ICI.

Sa statement naman ni Ret. Justice Andres Reyes Jr. ng ICI, sinabi nito na naobserbahan na niya na nasagot naman nito ang lahat ng katanungan sa kanya nang humarap ito sa pagdinig ng Kamara.

Nakitaan din aniya ng interes si Hernandez na makipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments