Pag-ugnay sa politika ng pagbawas sa security detail ni VP Sara, pinapatigil na ng ilang kongreista

Nanawagan ang ilang kongresista kay Vice President Sara Duterte na tigilan na ang pag-ugnay sa pulitika ng ginawang pagbawas ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang security detail.

Para kay Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio, hindi nakakatulong sa bansa na konting galaw o pangyayari ay lalagyan ng malisya at isisisi o iuugnay agad sa politika.

Ipinunto naman ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez na nagsalita na ang Presidential Security Group (PSG) na kaya nitong protektahan ang Bise Presidente kaya dapat ng tuldukan ang isyu.


Sabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, sana ay mawala na ang kultura kung saan ang ibang politiko ay nagbibitbit ng mga pulis para magbantay sa kanila kahit saan sila magpunta gayong pwede namang makipag-ugnayan sa mga local police.

Facebook Comments