Pag-ulan, asahan pa rin ngayong araw

Asahang magiging maulan ang Noche Buena o pagsalubong ng Pasko sa malaking bahagi ng bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng Low Pressure Area (LPA) at ng hanging amihan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 80 kilometers hilagang-kanluran ng Cuyo, Palawan.


Dahil sa dalawang weather system, makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Northern at Central Luzon kasama na ang Metro Manila.

Kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman sa Mimaropa, Bicol Region, buong Visayas, Caraga at Davao Region.

Kasabay ng inaasahang paglabas sa bansa ng LPA bukas isa pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nagbabadyang pumasok.

Huli itong namataan sa layong 1,515 kilometers silangan ng Mindanao at may tyansa itong maging bagyo.

Facebook Comments