PAG-ULAN | Licab, Nueva Ecija, isinailalim sa state of calamity

Nueva Ecija – Idineklara na rin ang state of calamity ang bayan ng Licab, Nueva Ecija.

Ito ay dahil sa nararanasang pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ayon kay Licab, Nueva Ecija Mayor Eufemia Domingo – ilang araw ng lubog sa baha ang halos lahat ng barangay at palayan.


Nasa higit 2,000 pamilya ang apektado.

Umapela ng karagdagang tulong ang Alkalde mula sa gobyerno.

Facebook Comments