Hindi na kailangan pang ulitin ang RT-PCR test, 14 araw makaraang magpositibo at makarekober ang isang COVID patient.
Sa Presscon sa Malacañang, sinabi ni National Adverse Events Following Immunization Committee/ NAEFIC Chair Dr. Lulu Bravo na matagal na nilang inirekomenda ang hindi pag-ulit ng RT-PCR test.
Paliwanag nito, kapag natapos na ang 14 days at nakarekober na ang isang COVID positive ay puwede na ulit itong makapasok sa trabaho.
Basta’t kinakailangang nakasuot ng face mask at face shield at nagpapraktis ng social distancing.
Aniya, kapag inulit kasi ang RT-PCR test pagkatapos ng 14days ay malaki ang tiyansa na mag-positive ulit ito.
Mayroon pa kasi aniyang natitirang maliliit na particles o remnants na kapag sinuri ay muling magpopositibo.