Manila, Philippines – Positibo ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na uunlad ang ekonomiya ng bansa sa 2019.
Ayon sa PCCI, sang-ayon sila ng naging pagtaya ng Asian Development Bank (ADB) at ng world bank na papalo sa 6.7 percent ang growth rate ng Pilipinas sa susunod na taon.
Resulta umano ito ng patuloy na pagkilala sa Pilipinas bilang isa sa may pinakamatatag na ekonomiya sa buong Asya.
Ito ay dahil na rin sa pagdami ng mga infrastructure project, pagho-host ng bansa sa Southeast Asian Games sa November 2019 at ang nalalapit na eleksyon.
Hinikayat naman ng PCCI ang gobyerno na tugunan ang mga kinahaharap na hamon pagdating sa usapin ng pagnenegosyo para mapanatili ang momentum ng economic growth ng Pilipinas.
Facebook Comments