Inihain ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez ang House Resolution 1542 na humihiling sa Commission on Elections o Comelec na i-update at linising mabuti ang listahan ng mga botante sa buong bansa.
Diin ni Gomez, kailangan itong gawin ng Comelec bago ang muling pagbubukas ng “voter registration” simula February 12 hanggang September 30, 2024 bukod sa ipatutupad na “Register Anywhere Program” o RAP, bilang parte ng electoral reforms.
Binanggit ni Gomez na sa kasalukuyang listahan ng mga botante ay kasama pa rin umano ang pangalan ng mga namatay na gayudin ang mga “flying voters at multiple registrants.”
Paliwanag ni Gomez, makakamit ang isang malinis, tapat at mapagkakatiwalaang eleksyon sa bansa kung mayroong malinis na “certified list of voters.”