Iginiit ni Tourism Committee Vice Chairperson at Quezon City Rep. Marvin Rillo ang kahalagahan na maiprayoridad ang pag-upgrade sa mga lansangan patungo sa mga tourism destinations.
Diin ni Rillo, ito ay bilang suporta sa National Tourism Development Plan ng pamahalaan na pangunahing makakatulong sa pagbangon ng sektor ng turismo mula sa pandemya.
Tiwala si Rillo na tiyak itong magbubunga ng mas maraming trabaho, at oportunidad para magkaroon ng ikabubuhay ang mga Pilipino lalo na ang mga nasa lalawigan.
Binanggit ni Rillo na sa ilalim ng 2023 budget ay ₱17.7 billion ang inilaan ng Kongreso para sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP) ng gobyerno.
Sabi ni Rillo, ang Department of Tourism (DOT) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang naatasang tumukoy sa mga proyektong tustusan na nasabing pondo.