Pag-upload ng litraro sa website ng Philippine News Agency, sinuspinde muna

Manila, Philippines – Pinasuspinde ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pag-upload ng litraro sa website ng Philippine News Agency.

Ito ay matapos ang pinakahuling kapalpakan sa website kung saan ang litraro ng Ilocos Sur ang ginamit imbis na ang Ilocos Norte.

Ayon kay Andanar, iimbestigahan niya ang naturang insidente at sisiguraduhin ring mananagot ang sinumang nasa likod ng tila pagsasabotahe sa PNA.


Mababatid na nauna na ring pumalpak ang pna sa pag-popost ng picture kung saan logo ng DOLE Philippines ang kanilang na-iupload imbis na ang litrato ng Department of Labor and Employment.

Facebook Comments