Pag-upo ni Commissioner Sheriff Abas bilang chairman ng COMELEC, pinamamadali na

Manila, Philippines – Maghahain ng manifesto ang Commission on Elections sa Commission on Appointments at tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mabilis na kumpirmasyon ni Commissioner Sheriff Abas bilang bagong chairman ng COMELEC.

Sabi ni COMELEC Regional Director Atty. Reynato Magbutay, mahalagang magkaroon sila kaagad ng permanenteng pinuno dahil malapit na ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Una rito, umani ng suporta sa mga empleyado ng COMELEC ang pagkakatalaga kay abas ni Pangulong Duterte na naging pinakabatang chairman sa edad na 38 anyos bilang kapalit ni resigned Chairman Andres Bautista.


Samantala, muling ipinaalala ng COMELEC na hanggang sa Huwebes (Nov. 30) na lamang ang pagpapa-rehistro para sa Barangay at SK elections.

Facebook Comments