Dumulog na sa Korte Suprema sina Duterte Youth Party-list Rep. Ducielle Cardema at Chairperson Ronald Cardema para maghain ng petisyon para harangin ang pag-upo ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon bilang kinatawan ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD) Party-list.
Si Guanzon ay magsisilbing kinatawan ng nasabing party-list group matapos na tanggapin ng COMELEC ang pag-atras nito bilang substitute sa mga naunang umatras na nominee.
Batay sa reklamo ng mag-asawang Cardema, kabilang sa nalabag ni Guanzon ang COMELEC Rules sa Deadline ng Substitution, paglabag sa Graft & Corrupt Practices Act, paglabag sa Code of Conduct at Ethical Standards of Public Officials & Employees.
Magugunitang November 15,2021 pa ang deadline ng paghahain ng withdrawal ng kandidatura at ng substitution.