Pag-upo ni Supt. Marvin Marcos, posibleng maunsyami

Manila, Philippines – Posibleng maunsyami pa ang pag-upo ni Supt. Marvin Marcos bilang bagong pinuno ng PNP Criminal Investigation Group Region 12.

Ito ay dahil hindi pa tiyak ngayon kung papabor sa kanila ang magiging desisyon ng Directorate for Personnel Records Management o DPRM matapos ang kanilang inihaing motion for reconsideration.

Ayon kay PNP Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo maaring mabago ang kanilang inirekomendang sanctions sa grupo ni Supt. Marcos.


Sa ngayon posibleng hinihintay pa ng grupo ni Supt. Marcos ang magiging desisyon ng DPRM bago magreport sa CIDG Region 12.

Una nang sinabi ni DRPM head Police Director Rene Aspera na sa susunod na Linggo ay ilalabas na nila ang resulta ng inihaing apela ng grupo ni Supt. Marcos.
Ang isusumite aniya nilang rekomendasyon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa ay ang pinal nang desisyon ng PNP kaugnay sa kasong administratibong kanilang kinakaharap.

Nag-ugat ang parusa sa grupo ni Marcos matapos mapatunayang ng PNP IAS na nagsabwatan ang ilang dating tauhan ng CIDG region 8 para patayin si dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Facebook Comments