Sa tingin ni Committee on Labor and Employment Chairman Senator Joel Villanueva ay mahihirapang makausad ang ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng taon.
Paliwanag ni Villanueva, kung hindi mapipigil ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay masasayang ang lahat ng hakbang para maiangat ang ekonomiya.
Diin ni Villanueva, apektado rin ang galaw ng ekonomiya kung walang malinaw na polisiya para matulungan ang mga manggagawa na makasabay sa new normal situation.
Giit ni Villanueva, kailangan ang tulong ng gobyerno para magkaroon ng malakas na labor force dahil nasa mga manggagawa nakasalalay ang mabilis na pagbangon ng ekonomiya sa harap ng COVID-19 crisis.
Facebook Comments