Pag-usad ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo mabagal – PNP

Manila, Philippines – Maging ang pamunuan ng PNP Anti- Kidnapping group ay nababagalan sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice at National Bureau of Investigation sa kasong may kinalaman sa pagdukot at pagpatay sa Korean National na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Police Senior Supt. Glen Dumlao – Director ng AKG, ngayong araw ay isang taon ng patay ang Koreano ngunit tanging ang pinag uusapan pa lang ngayon sa mga hearing ay ang Motion to Bail nina Police Supt. Raphael Dumlao at SPO3 Ricky Sta Isabel.

Bukod sa nakatutok ang imbestigasyon sa motion to bail, hanggang ngayon ay hindi pa tinatanggap ng Korte ang alok naman ni SPO4 Roy Villegas na maging State Witness sa kaso dahil tinututulan ito nina Dumlao at Sta. Isabel


Naniniwala si Dumlao, Air tight ang kaso laban sa dalawa batay sa mga naunang pahayag ng mga testigo partikular na ang kasambahay na si Marissa Murquicho.

Sina Dumlao at Sta Isabel ay itinuturong dumukot at pumatay sa loob mismo ng Kampo Crame kay JEE ICK JOO.

Maliban sa kanila sama nila sa kaso sina Chairman Gerry Santiago ng GREAM funeral services , SPO4 Roy Villegas, at empliyado ng NBI na si Gerry Omlang.

Facebook Comments