Manila, Philippines – Galing nyo! Ito ang sarkastikong mensahe ni Senator Antonio Trillanes IV sa mga kongresista.
Reaksyon ito ni Trillanes makaraang ideklara ng house justice committee na sufficient in form and substance ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Dismayado si Trillanes na gusto agad ipa-impeach ng mga kongresista si CJ Sereno dahil sa umano’y pagbili ng sports utility vehicle.
Ipinunto ni Trillanes na ang impeachment complaint noon kay Pangulong Rodrigo Duterte ay ibinasura kahit pa nagpapatay umano ito ng libo-libong Pilipino at nagnakaw ng bilyun-bilyong piso.
Facebook Comments