Pag-usad ng mga pasaherong naapektuhan ng power outage sa NAIA 3, bumibilis na

Bumibilis na ang pag-usad ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3, matapos ang pagka-antala ng paglipad dahil sa power outage sa paliparan.

Bagamat tambak pa rin ang mga pasaherong naghahabol ng kanilang flights, matapos na bumalik sa normal ang operasyon sa nasabing paliparan.

Tiniyak naman ng Manila International Airport Authority (MIAA), may standby power sila na nagsu-supply ng kuryente sa mga kritikal na pasilidad.


Kabilang dito ang airline computer systems at ng immigration para sa pagproseso sa mga dumadating at papaalis na pasahero.

Patuloy din na nag-iikot ang MIAA operations personnel, para magbigay ng assistance sa mga pasaherong naapektuhan ng aberya.

Inaalam na rin ng MIAA engineering team at ng Meralco technical personnel ang dahilan ng power failure sa paliparan.

Kabuuang 40 flights ng Cebu Pacific ang nakansela dahil sa aberya.

Nag-abiso naman ang Airasia Philippines na magkakaroon ng bahagyang pagbabago sa oras ng paglipad ng kanilang eroplano patungo ng Taipei, Osaka, Incheon, Caticlan at Cebu.

Facebook Comments