PAG-USAD NG PINAPLANONG PAGPAPATAYO NG INTERNATIONAL AIRPORT SA BAYAN NG LINGAYEN, NAGPAPATULOY

Patuloy ang pag-usad ng pinaplanong pagpapatayo ng International Airport sa bayan ng Lingayen sa pangunguna ng tanggapan ng kongresista sa ikalawang distrito ng Pangasinan sa pakikipag-ugnayan nito sa tanggapan ng National Security Council, Department of Transportation-Civil Aviation Authority of the Philippines (DOTr-CAAP) at iba pang ahensya.
Ayon sa kongresista, nasa 4000 meters, KM long runway ang inaasahang maging sukat nito.
Matatandaan na may mga investors mula sa iba’t-ibang bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta at handa umanong mamuhunan sa mga pinaplanong proyekto sa lalawigan ng Pangasinan.
Nakikitaan naman ito ng potensyal na makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya at turismo hindi lang sa bayan ng Lingayen maging ang buong lalawigan ng Pangasinan lalo na at ang bayan ng Lingayen ay nasa southern portion ng Rehiyon at maaari itong magbukas ng oportunidad sa mga karatig bayan nito.

Magkakaroon din umano ng pagkakataong makilala ang mga yaman na ipinagmamalaki ng Pangasinan, ang mga pamosong pasyalan sa hanay ng turismo, mayamang kultura at tradisyon na patok sa mga turista at bibisita sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments