Maituturing na isang opoturnidad ang pag-usbong mga plantito at plantita para bagong businesswoman na si Maricar Malbog.
Sa segment na ‘Business as Usual’ ng usapang trabaho sa DZXL RMN Manila, ibinahagi ni Maricar na isa siya sa mga seaworkers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya kaya’t ginamit niya ang ayudang ibinigay ng gobyerno at iba pang dead assets sa pagsisimula ng negosyo.
Dahil walang kasiguruhan ang pagbabalik sa dagat, naisip niyang buuin ‘Gawang Metal Republic’ kung saan gumagawa sila ng made-to-order plant stands para sa mga plant lovers.
Aniya, mula sa dalawang order kada araw, dahil sa kalidad at sipag ng pag-aalok niya online, pumalo na sa 10 hanggang 30 orders ang kayang natatanggap kada araw.
Nakatulong din siya sa mga dati nilang trabahador na ng trabaho.
“Simula nung nag-boom yung plantito at plantita, bigla pong nagboom sa 10 orders, 20 orders at 30 orders. Nabigyan ko rin naman po ng trabaho yung mga construction workers na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown” ani Maricar.
Bukod sa plant stands, gumagawa rin sila ng customized bed frames, silya at iba pang gamit sa bahay.