Kinumpirma ng isang Dive Site Explorer at Cartographer ang pag-usbong ng isang scuba diving site sa Bani, Pangasinan.
Ayon sa anunsyo ng cartographer online, bagaman nangangailangan pa ng pulidong exploration at ilan pang kaukulang proseso ay maaari nang bisitahin ng mga divers ang nadiskubreng dive site.
Ang naturang eksplorasyon ay kinomisyon upang magsagawa ng pananaliksik at galugarin ang ibang bahagi ng West Philippine Sea.
Base sa mga kuhang litrato, makikita ang iba’t-ibang uri ng corals, isda at yamang dagat sa baybayin ng Bani.
Samantala, nauna nang inihayag ng Department of Tourism Region 1 noong Marso na nasa 26 na potential diving spots mula Currimao, Ilocos Norte, Northern Circuit ng La Union at kalakhang Western Pangasinan ang minomonitor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨