
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na may kinalaman sa 2028 presidential elections ang pag-uugnay sa kanya sa sinasabing dating tauhan nito na si Ramil Madriaga na nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sa ambush interview sa Davao City, iginiit ni VP Sara na hindi niya kilala si Madriaga na nagsasangkot sa kanya sa confidential funds controversy at sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa usapin naman ng kumakalat na larawan nila ni Madriaga, sinabi ni VP Sara na marami namang mga Pilipino ang may individual picture sa kanya.
Samantala, sa usapin ng nakaambang panibagong impeachment laban sa pangalawang pangulo, sinabi ni VP Sara na pagod na ang taongbayan sa ganitong paulit-ulit na panggigipit.
Facebook Comments










