
Mariing kinondena nina Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula ang isang Facebook post na nag-uugnay sa relihiyong Islam sa mga suspek ng isang krimen.
Giit ni Adiong, ang mga pananagutang kriminal ay personal at hindi maaaring iugnay sa paniniwala o relihiyong kinaaniban ng sangkot na indibidual.
Ayon kay Adiong, ang Islam, katulad ng ibang relihiyon ay nagsusulong ng kapayapaan, pananagutan at hustisya kaya hindi katanggap-tangal na iugnay rito ang mga gawaing mali o labag sa batas.
Diin naman ni Congresswoman Ismula, ang Facebook post na tahasang idinadamay ang Islam sa mga suspek sa kaso ni Joanna Infante ay iresponsable at isang uri ng profiling na nagpapalalim sa sa diskriminasyon laban sa mga Muslim.
Apela ni Ismula, dapat gamitin ang social media o alinmang plataporma para magbigay ng tamang impormasyon at hindi para idamay at ilagay sa panganib ang buong Muslim community.









