Pag-uulan dala ng habagat, nakadagdag ng pagtaas ng water level sa mga dam sa Luzon

Bahagyang umakyat ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon matapos ang mga pag-ulan sa magdamag na epekto ng Hanging Habagat.

Batay sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6:00 ng umaga ay umakyat sa 187.52 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Nadagdagan ito ng walong sentimetro kumpara sa naitala kahapon na 187.44 meters.


Maging ang Ipo Dam ay nadagdagan din ng apat na sentimetro kaya umakyat sa 99.47 meters ang lebel nito.

Malaki naman ang naidagdag sa antas ng tubig sa Caliraya Dam, Ambuklao, Binga at La Mesa Dam.

Bahagya ring nadagdagan ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan at Magat Dam.

Facebook Comments