Opisyal nang inanunsiyo ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang pag-uumpisa ng closed fishing season sa Northern Palawan.
Ito ay para mapalakas at mapaunlad ang saganang suplay ng galunggong sa bansa.
Sa ilalim ng closed fishing season, bawal ang paggamit ng purse seine, ring net, at bag net na iba’t ibang paraan ng pangingisda gamit ang lambat sa loob ng conservation area ng Northern Palawan.
Nagsimula ito nitong November 1 at magtatagal hanggang January 31 sa susunod na taon.
Umaasa naman sina BFAR national director Eduardo Gongona at Agriculture Secretary William Dar na magiging tulong ang plano upang bumalik sa normal ang suplay ng galunggong sa bansa.
Ang Palawan ang pinakamalaking supplier ng isda sa Metro Manila kung saan aabot sa 95% ng species nito ang ibinabagsak sa Navotas Fish Port.S