PAG-UUMPISA NG EL NINO, POSIBLENG IDEKLARA NG PAGASA SA BUWAN NG HULYO; LALAWIGAN NG PANGASINAN HINDI DIREKTANG MAAPEKTUHAN NG EL NINO AYON SA PAGASA

Matatandaan na nito lamang ika-2 ng Hunyo nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan ngayon taon at ilang beses na ring nakakaranas ang lalawigan ng Pangasinan ng malalakas na thunderstorm tuwing hapon.
Ngunit ngayong darating na buwan ng Hulyo, posible nang ideklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Nino sa bansa kung saan sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PAGASA Dagupan Chief Engr. Jose Estrada, dahil sa Type 1 Climate ay nagkaroon ng Southwest Monsoon o Habagat ngunit sa mga buwan ng Hulyo at Agosto ay susulpot-sulpot na lamang ang epekto ng El Nino ngunit nariyan pa rin.
Ayon pa sa kanya, nasa 75% probability ang pagkakaroon o mararanasan ang El Nino hanggang sa unang quarter ng taong 2024.

Dagdag pa niya na ang lalawigan ng Pangasinan ay kabilang sa Type 1 Climate na kung saan ang lalawigan ay kabilang sa Western Part ng bansa at patuloy pa rin makakaranas ng habagat.
Sinabi pa niya na hindi umano direktang makakaranas ang probinsya ng Pangasinan ng epekto ng El Nino dahil sa habagat na kasalukuyang nararanasan.
Samantala, dahil sa mga nararanasang localized thunderstorm sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan ay sapat ang suplay ng tubig sa ilang kailugan gaya na lamang ng Sinocalan River sa Mangaldan kung saan ayon sa NIA sapat tubig para sa mga magsasaka sa lugar.
Ngunit aniya, nasa below level pa rin ang lebel ng tubig sa San Roque Dam kung saan base sa pinakahuling monitoring ng Pangasinan PDRRMO kahapon nasa 235.23 masl ang lebel nito ngayon. |ifmnews
Facebook Comments