Pag-uusap para sa South China Sea Code of conduct, dapat pa ring ituloy – DFA

Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi dapat maantala ang pabuo ng code of conduct sa South China Sea.

Ito ang sinabi ng kagawaran matapos ang insidente sa West Philippine Sea kung saan itinatabog ng mga barko ng China ang isang local civilian vessel.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., dapat magpatuloy pa rin ang mga negosasyon sa harap ng pandemya.


Kailangan ang code of conduct para na rin sa mga sibilyang barko na naglalayag sa naturang karagatan.

Dagdag pa ni Locsin, maaaring gamitin ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos sakaling atakehin ang mga barko ng Pilipinas.

Facebook Comments