Pag-uusap patungkol sa martial law extension, masyado pang maaga – PNP

Maaga pa para pag-usapan ang martial law extension sa Mindanao. Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, marami pa ang pwedeng mangyari mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng Martial Law sa December 31.

Maaari aniyang mismong ang Pangulo ang magdesisyon na hindi na kailangan ang Martial Law kung gumanda na ang sitwasyon sa Mindanao.

Ginawa ni PNP Chief ang pahayag matapos na inirekomenda ni National Security Adviser Hermongenes Esperon ang panibagong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao. Sinabi ni Albayalde na naka-depende na rin sa magiging resulta ng mga “efforts” ng PNP At AFP at iba pang law enforcement ang rekomendasyon ng PNP kung palalawigin o hindi ang Martial Law.


Facebook Comments