Pag-uusap sa loob ng bagon ng LRT-1, ipagbabawal na; Mga pasahero na makikitang nakikipag-usap, hindi papatawan ng parusa

Nilinaw ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na walang ipapataw na anumang multa sa sinumang pasahero na makikipag-usap sa loob ng bagon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Nabatid na una nang ipinagbabawal ang pag-uusap ng mga pasahero habang nasa loob ng mga bagon ng LRT-1 upang maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Sinabi ni Jacqueline Gorospe, Corporate Communications head ng LRMC na malaki raw ang posibilidad na kumalat ang COVID-19 kapag tinanggal na ang facemask.


Bukod sa personal na pag-uusap ay pagbabawalan din nila ang pagtawag sa telepono kung saan magtatalaga na sila ng mga tauhan para matiyak na masusunod ang inilabas na kautusan.

Pero iginiit ng LRMC na kung kinakailangan talagang magsalita ay maari itong gawin lalo na kung mayroong emergency.

Napag-alaman naman na ilan sa mga personnel ng LRMC ay gumaling na sa sakit kung saan pinaalalahanan pa rin nila ang publiko na gumamit na lamang ng Stored Value Card (SVC)para sa contactless payment para maiwasan na rin ang paglaganap ng COVID-19.

Bukod dito, makakaiwas din sa mahabang pila kung lalagyan na lang ng load ang SVCs sa pamamagitan ng Ticket Vending Machine (TVM) at iba pang loading channels.

Facebook Comments