Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang anumang pag-uusap o diskusyon hinggil sa revolutionary government (RevGov) ay kailangang isapubliko.
Sa kaniyang mensahe sa bayan, binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi dapat nililihim ito.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat kasama ang militar at pulisya sa talakayan upang maihayag nila ang kanilang masasabi hinggil sa usapin.
Nabatid na nanawagan ang Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee na ipatupad ang revolutionary government sa huling dalawang taon na termino ng Pangulo.
Tinabla na ito ni Defense Secretary Delfin Lorenza, Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments