Manila, Philippines – Inihayag ni Senate President Koko Pimentel Jr. na tatalakayin ang usapin ng Dengvaxia at BBL, susubukan nilang mapag usapan pagkatapos ng SK at Barangay Election sa Mayo 15.
Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Senador Pimentel na tanging ang TRAIN 2 lamang ang maiiba na kanilang tatalakayin dahil pagkatapos lamang ng SONA ng Pangulo nila pag-uusapan ang TRAIN part 2.
Sa usapin naman ng federalismo nilinaw ng senador na dalawang resolution lamang ang nakabinbin sa senado ang constitutional assembly at constitutional convention pero iginiit nito na pagbobotohan nila ng hiwalay ang pamamaraan ng pagpapalit sa ating konstitusyon.
Paliwanag ni Pimentel hindi mahalaga sa Pangulo kung Con-Ass o Con-con ang pamamaraan ng pagpapalit ng ating saligang batas ay mahalaga aniya sa Pangulo ay matuloy lamang ang federalismo.