PAG-UUSAPAN | Draft federal constitution, tatalakayin ng House Committee on Constitutional Amendments ngayong linggo

Manila, Philippines – Tatalakayin ng House Committee on Constitutional Amendments ngayong linggo kasabay ng pagbubukas ng 17th Congress ng kanilang third regular session ngayong araw ang draft federal constitution.

Ayon kay Southern Leyte Representative Roger Mercado, Panel Chairman, itinakda ang pagdinig sa Miyerkules, July 25 para pag-usapan ang output ng Consultative Committee (Con-Com).

Inaasahan ni Mercado na ilalatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang plano nito sa charter change.


Nilinaw din ng mambabatas na walang mangyayaring constituent assembly (con-ass), sa halip ay magkakaroon ng caucus pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

Facebook Comments