Manila, Philippines – Posibleng malagdaan na bukas, Mayo 11 ng Pilipinas at Kuwaiti Government ang kasunduan para sa proteksyon ng mga OFW sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Belo III, magsasagawa muna ng pinal na diskusyon ngayong araw para sa lalagdaang kasunduan.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagbibigay sa mga OFW ng isang araw na pahinga, hindi pagkumpiska ng cellphone, disenteng pagkain at tulugan.
Dapat ring nakadeposito ang passport ng OFW sa Philippine Embassy sa Kuwait.
Sabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, bumuo na ng special unit ang Kuwaiti police na siyang makikipag-ugnayan sa Philippine Embassy para matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino nang hindi lalampas sa 24 na oras.
Tiniyak din ng palasyo na makakauwi na ng Pilipinas ang nasa 600 undocumented oFWs na walang kaso at halos 150 ang makakasama ng Philippine delegation pauwi dito sa Pilipinas.