PAG-UUSAPAN | Pagtatanggal sa Filipino subject sa college level posibleng matalakay sa cabinet meeting

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na posibleng matalakay sa susunod na cabinet meeting ang issue ng pagtatanggal sa Filipino subject sa kolehiyo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, hindi malayo na palutangin ng Commission on Higher Education (CHED) ang usapin sa pulong ng mga gabinete kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

At sa magiging resulta aniya ng posibleng pagtalakay na ito ay magkakaroon na ng posisyon ang Malacañang sa issue.


Matatandaan na mismong ang CHED ang nagsulong na alisin ang Filipino sa College curriculum dahil magiging duplication lang anila ito sa mga ituturo sa Senior High School.

Pero umalma naman ang ilang sector dahil hindi aniya pag-uulit ang mangyayari dahil pagpapatuloy at pagpapalawak ng kaalaman sa Filipino ang pag-aaralan sa kolehiyo kaya hindi ito maaaring tanggalin sa mga dapat pag-aralan ng mga estudyante.

Facebook Comments