Manila, Philippines – Plano ngayon ng PBA na maglabas ng panibagong patakaran hinggil sa mga players na nag-AWOL sa kani-kanilang koponan.
Sa nasabing patakaran, hindi pwedeng kunin ng iba ang player na nag-AWOL kung saan hihintayin muna nila kung ite-trade ito ng kaniyang mother team.
Bukod dito, pag-uusapan din ng PBA board of governors na i-limit sa edad na 22 years old ang kukuning rookie dahil nais nila na makatapos ito sa ipinapatupad na k-to-12 program ng DepEd.
Gusto din ng PBA na i-apply ang one-year grace period sa mga player na nais bumalik sa PBA matapos nilang maglaro ng ibang liga.
Facebook Comments