Manila, Philippines – Dapat makumbinsi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Senado para maaprubahan ang hiling na isa pang taong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, sapat na ang pagsasagawa ng isang briefing para makapagdesisyon sila kung papaboran o hindi ang ikatlong extension ng martial law sa rehiyon.
Para kay Senator Richard Gordon, dapat maipakita ng AFP at PNP ang mga ebidensya sa security briefing ngayong araw.
Kumbinsido si Gordon na may banta pa ng terorismo sa rehiyon.
Naniniwala rin si Gordon na kailangang may limitasyon sa pagpapatupad ng batas militar.
Matatandaang inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng batas militar ang Mindanao noong May 23, 2017 nang sumiklab ang gulo sa Marawi City nang umatake ang ISIS-inspired Maute Group.
Inaasahang matatapos ang martial law sa December 31, 2018.