Pag-Uutos Sa Extra Judicial Killings, Itinanggi Ng Pangulo

13

MANILA – Muling itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga akusasyon na iniutos niya ang mga Extra Judicial Killings na iniuugnay sa war on drugs ng pamahalaan.Sa kanyang talumpati sa Malakanyan, sinabi ng pangulo na walang katotohanan ang akusasyon dahil marami ding pulis at sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay para isulong ang nasabing kampanya.Ayon pa sa pangulo, wala siyang oras kung ipag-uutos niya ipapatay ang mga nasa likod ng transaksyon ng ilegal na droga.Aminado naman ito na minsan na siyang pinanghinaan ng loob tuwing naiisip ang lawak ng problema sa ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments