Patuloy ang mahigpit na seguridad na pinaiiral ng Philippine National Police (PNP) para sa mga magbabalik sa Metro Manila at iba pang lalawigan.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo matapos ang long weekend, kung saan idinaos ang BSKE at Undas.
Ayon kay Fajardo, mula ngayong araw hanggang lunes ay inaasahan nila ang pag-uwi ng mga sinamantala ang long weekend kaya binabantayan nila ang mga terminal ng bus, paliparan at pantalan.
Maliban sa mga pulis, nag-deploy din ang PNP ng mga K-9 dogs upang matiyak ang seguridad ng publiko.
Pinaalalahanan naman nito ang publiko na maging alerto at ingatan ang mga dalang gamit upang hindi nabiktima ng mga kawatan.
Facebook Comments