Pag-uwi ng mga OFW sa bansa sa oras na mag-ECQ na sa NCR, hindi maaapektuhan – Palasyo

Nilinaw ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa kahit pa sumailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa harap ng nakatakdang pagsailalim ng National Capital Region (NCR) sa ECQ simula August 6 hanggang August 20, 2021.

Ayon sa kalihim, kahit kailan ay hindi pinagbawalan ang mga international travels ng mga OFW papasok ng bansa, kahit pa nasa ECQ ang bansa.


Ang tanging ipinagbabawal lamang aniya sa ilalim ng ECQ, ay ang mga domestic travels.

Pero ang mga uuwing OFWs ay mahigpit na sasailalim sa 10-day quarantine facility based, pagsalang sa swab test sa ika-7 araw at kapag negatibo sa virus ipagpapatuloy ang nalalabing 4 na pag-quarantine sa kanilang tahanan na striktong imo-monitor ng concerned LGU.

Facebook Comments