
Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na plantsado na ang nalalapit na pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa bansa.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, lubos ang pasasalamat nila sa Republic of Indonesia para maisakatuparan ito.
Igagalang aniya nila ang mga kondisyon para sa kanyang paglilipat sa hurisdiksiyon ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Bersamin, labis silang natutuwa na tanggapin si Mary Jane pabalik sa kanyang bayan at pamilya, kung saan siya nawalay nang matagal.
Ang pag-uwi aniya ni Veloso ay bunga ng mahigit isang dekadang patuloy na pag-uusap, konsultasyon, at diplomasya.
Facebook Comments









