Pag-uwi sa Pilipinas ni Ralph Trangia, boluntaryo

Manila, Philippines – Nilinaw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na boluntaryo ang pag-uwi sa Pilipinas ni hazing suspect Ralph Trangia.

Ayon kay Aguirre, posibleng umiwas si Trangia na mai-deport kaya kusa itong nagdesisyon na bumalik ng Pilipinas.

Sinabi ni Aguirre na nabalitaan kasi nila na naghahanda na ang US authorities para sa deportation ni Trangia kaya inunahan na ito ng hazing suspect.


Pasado alas onse ngayong umaga dadating sa NAIA ang EVA AIR sakay si Trangia at ina nitong si Rosemarie mula sa Amerika via Taiwan.

Sinasabing idederecho sa NBI si Trangia mula NAIA para kunan ng statement hinggil sa pagkamatay sa hazing ni UST student Horacio Castillo III.

Facebook Comments