Pag-validate ng vaccine pass sa returning Filipinos, pinag-aaralan ng pamahalaan

Pag-aaralan ng pamahalaan ang pag-validate ng vaccine pass sa mga returning Filipinos na nabakunahan abroad.

Ito ang pahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos i-anunsyo ng Malacañang na ang quarantine period ay paiikliin sa pitong araw mula sa 10 araw para sa mga Pilipinong fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay OWWA Administration Hans Leo Cacdac, ang quarantine period para sa returning Filipinos na nabakunahan abroad ay patuloy na pinag-aaralan.


“Ang issue dito yung validation din ng vaccination process na isinumite kapag dumating ang OFWs na bakunado, [halimbawa] galing Saudi Arabia, na nagpe-presinta ng dokumento, paano natin malalaman kung authentic ang vaccination pass?” sabi ni Cacdac.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na sinisilip na nilang magkaroon ng uniform guidelines para sa quarantine protocols para sa mga Pilipinong fully vaccinated sa Pilipinas o sa abroad.

Facebook Comments