Pag-veto ng pangulo sa anti-palo bill, pinalagan ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Umalma ang ilang kongresista sa pag-veto ni Pangulong Duterte sa Anti-Palo Bill na nagbabawal sa mga magulang na magpataw ng corporal punishment sa mga anak.

Giit dito ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, hindi kinikilala ni Pangulong Duterte ang pagpapahalaga sa positibong pagdidisiplina ng mga bata.

Sa halip na protektahan ang mga bata ay isinusulong pa ng Malacañang ang mga batas na nagsisilbing banta sa kanila tulad ng pagpapababa sa minimum age of criminal responsibility.


Nakapanlulumo din aniya ang desisyon ni Pangulong Duterte lalo’t sa panahon ngayon ay nakararanas ng physical at mental violence ang mga bata.

Binigyang-diin rin ng kongresista na iniingatan ng panukala ang mga bata mula sa pambubugbog, paninipa, pananampal, at pamamalo saan mang bahagi ng katawan gayundin ang anumang uri ng verbal abuse.

Facebook Comments