Binigyang diin ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano na walang dapat ipag-alala sa ginawang pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P194 billion na halaga ng items sa 2025 national budget.
Paliwanag ni Valeriano, nanatiling nasa mahigit P6 trillion pa rin ang pambansang pondo ngayong taon dahil tatlong porsyento lang nito ang naapektuhan ng pag-veto ng Pangulo.
Pagtiyak ni Valeriano, makakamit pa rin ng 2025 national budget ang layunin nito.
Ayon kay Valeriano, siguradong mapopondohan ngayong taon ang mga mahahalagang mga programa at proyekto para sa ikauunlad ng bansa para sa bawat Pilipino.
Facebook Comments