Thursday, January 15, 2026

Pag-veto sa 2026 National Budget, hindi pa nakikita ni PBBM

Hindi pa nakikita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na i-veto ang panukalang national budget para sa 2026.

Ayon sa pangulo, siya mismo ay nakibahagi sa pagbuo ng National Expenditure Program (NEP), kaya batid niya ang mga paghahandang ginawa bago ito isumite sa Kongreso.

Batay aniya sa kanilang pinakahuling pagsusuri sa isinumiteng panukalang budget, wala silang nakitang mga proyektong labas sa socio-economic development plan ng administrasyon.

Gayunman, binigyang-diin ng pangulo na maiging hintayin munang matapos ang proseso sa Bicameral Conference Committee bago magbigay ng pinal na komento, dahil marami pa itong pagdaraanan.

Sisiguraduhin din aniya nilang mananatiling nakaayon sa orihinal na plano ang mga probisyong lalabas mula sa bicam deliberations.

Facebook Comments