Pag-video at pag-picture ng publiko sa mga nangyayaring krimen, hindi dapat pigilan

Mariing kinontra ni Senator Leila De Lima ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na huwag kunan ng video o larawan ang mga nasasaksihang krimen.

Diin ni De Lima, malaki ang naitutulong ng mga video at larawan para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng krimen.

Iginiit ni De Lima na sa halip takutin at pahinain ang loob ng mga gustong tumulong at maglahad ng katotohanan, ay dapat silang suportahan at proteksyunan.


Katwiran pa ni De Lima, malaking tulong ang mga video at larawan para mapigilan ang dumadalas na pagiging pasaway ng ilang public officials lalo na sa mga protocols laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni De Lima, ang pagkuha ng video ay paraan din para maiwasan ang mga pinapatay at pinapalabas ng pulisya na nanlaban.

Facebook Comments