Katawa-tawa umano na si Department of Agriculture (DA) William Dar pa ang nag-warning na tatama ang isang food crisis sa bansa kung walang gagawing karampatang aksyon sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mistulang hinahabol ni Kalihim Dar ang kaniyang sariling buntot.
Aniya, kung susuriin, dapat sisihin ang kalihim sa sitwasyon ng kawalang seguridad sa pagkain dahil sa walang habas na importasyon habang pinapapabayaan ang pagpapabaya sa local agriculture.
Giit ni So, matagal nang ibinababala ng grupo na hindi dapat nakaasa ang gobyerno sa mga food supply mula sa international market.
ito’y sa dahilang may posibilidad na protektahan ng ibang bansa ang kanilang domestic market sakaling tamaan ng kalamidad o krisis ang mga bansang inaangkatan ng pagkain.
Kahit aniya sa huling panahon ni Dar sa DA, itinutulak nito ang ang reduction sa tariff sa pork, bigas at mais sa halip na doblehin ang pagsisikap na tulungan ang mga magsasaka na makaagapay sa tumataas na cost of production.
Wala umanong ibang paraan upang harapin ang krisis kung di-palakasin ang local production, i-subsidize ang mga farm inputs at tulungan ang mga magsasaka na katuwang sa pangkabuuang production chain.