
CAUAYAN CITY – Muling ipinagpatuloy kahapon, ika-24 ng Marso, ang pag-aaspalto sa bahagi ng Batu Bridge and Approaches sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Nasa 1,232 meters naman ang haba ng aaspaltuhing daan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)
Dahil dito, isang lane ng daan lamang ang bubuksan sa mga motorista at byahero kung kaya’t asahan ang 10-minutong interval para sa mga sasakyang magpapa-north at south bound.
Ang hakbang na ito ng ahensya ay upang makapagbigay ng mas maayos at ligtas na daan sa mga byahero at motorista na dumaraan dito.
Facebook Comments