Pagadian City Mayor Sammy Co, nilinaw na isa siyang Filipino citizen at hindi ‘Alice Guo 2.0’

Nilinaw ni Pagadian Mayor Samuel “Sammy” Co na hindi umano siya “Alice Guo 2.0”; bakus, isang Filipino citizen at hindi umano gumagamit ng pekeng dokumento.

Kasabay sa pagbukas ng Paskuhan Festival, sinabi ni Mayor Co na pinanganak siya sa Lungsod ng Pagadian, partikular na sa may Clinic Sto. Niñ
o noong Marso 10, 1966.
 
Dagdag pa ni Co, anim na taon bago siya ipinanganak, naging Filipino citizen na umano ang kaniyang mga magulang kaya malinaw at legal ang kaniyang karapatan bilang mamamayang Pilipino.

Mahigit 18 taon nang naglilingkod sa Lungsod ng Pagadian si Co, kabilang na ang iba pang posisyon bukod sa pagiging alkalde.

Sa kabilang dako naman, ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung may basehan ba ang mga hinala sa naturang alkalde.

Facebook Comments