PAGAGANDAHIN | Instragram, itatampok na rin ang long-video feature

Itatampok na rin sa social network na Instagram ang long-form video.

Ito ang hakbang ng IG para palawakin pa ang kanilang serbisyo mula sa photo-sharing hanggang sa video streaming services.

Ayon kay Instagram Chief Executive Kevin Systrom, tatawagin itong ‘IGTV’ kung saan tampok ang mga videos mula sa rising internet celebrities at artists.


Magiging bahagi ito ng original IG app pero available din bilang isang hiwalay na app.

Nabatid na nalagpasan na ng IG ang isang bilyong monthly active users nito.

Ang Instagram ay pagmamay-ari ng social media giant na Facebook.

Facebook Comments